Janine Tugonon Facebook

Dear Ex ni Janine Tugonon,

Kamusta? Pare, nakikiramay ako kasi narinig ko sa balita na naghiwalay kayo ni Janine. Sayang, alam ko sa ngayon, masama pa rin siguro ang loob mo sa nangyari. Pero pards, may dadating din na mas maganda sa kaniya. Kung di man mas maganda, at least mas mabait sa kaniya. Pero mas okay pa rin sana kung mas maganda.

Noong naging 1st Runner up si Janine sa Ms. Universe, marami sa kaibigan kong lalaki ang naging crush siya, kasi syempre maganda na, matalino pa si Janine. May iba naman akong mga kaibigan na gusto maging katulad si Janine. Pero alam nila, kahit kailan hindi mangyayari iyon kasi mga lalaki din sila.

Noong ipinakilala sa buong mundo na ikaw ang boyfriend ng naging runner up sa Ms. Universe, aaminin ko, ang una kong naisip agad, akala ko, nag-hang ang telebisyon ko. Kasi nung nagintroduce na si Kuya Boy kung sino yung boyfriend ng naging 1st runner up, gumalaw pakaliwa yung camera at akala ko yung katabi mo yung boyfriend, e tumigil sa iyo ang camera, naisip ko, “ay, nag hang.”

41613_janine-danny-scriptPero ikaw pala talaga iyon. Na-realize ko yun nung nakita kong ikaw lang mag-isa ang nakaupo sa upuan. Bigla akong natuwa, bigla akong nainspire. Kasi aaminin ko, katulad mo, hindi naman tayo ganun kagwapuhan. Buong buhay ko ‘tol, depressed ako. Kasi nga, alam kong hindi ako uubra sa mga kasing ganda ng mga beauty queen kasi nga di ako kagwapuhan. Pero nung pinakilala ka sa buong mundo, nabuhayan ako ng loob. Pards, naging inspirasyon kita kasi sa’yo, posibleng umibig ang isang diyosa ng kagandahan. Simula noon ay umasa na rin ako na posible din yun sa akin.

Klaruhin ko lang pare ha. Hindi kita iniinsulto at hindi kita minamaliit. Kasi nga, inaamin ko na katulad mo, may kaguwapuhan din ako na di ko inakala. Pero hanggang akala ko pa lang din yun hanggang ngayon.

Bumilib din ako kay Janine. Napakaganda niya pero ikaw pa rin ang inibig niya. Siguro sobrang bait mong tao. O kaya, sobrang talino. Sobrang yaman siguro? O madasalin ka lang na tao? Pero sigurado ako, na katulad ko, hindi iyong isa pang criterion for judging yung ginamit ni Janine sa pagpili sa iyo.

Tinaas mo ang bandera ng ating mga ka-tribo, pards. Sobrang salamat. Masaya na din kami kasi may isa kaming ka-tribo ang naging matagumpay. Puwede na tayong magka-partylist: Lucky Me! Partylist.

You might also like
Shamcey Supsup, Janine Tugonon, Ariella Arida in Swimsuit
Shamcey Supsup, Janine Tugonon, Ariella Arida in Swimsuit ...
Janine Tugonon breakup issue
Janine Tugonon breakup issue...
Janine Tugonon in US (January 2, 2014)
Janine Tugonon in US (January 2, 2014)
Janine Tugonon Message Parody (Janine TURONon
Janine Tugonon Message Parody (Janine TURONon
Janine Tugonon - Bb. Pilipinas Q & A
Janine Tugonon - Bb. Pilipinas Q & A
Janine Tugonon (Ms. Philippines) Question And Answer
Janine Tugonon (Ms. Philippines) Question And Answer ...
JANINE TUGONON - KRIS TV (FULL VERSION)
JANINE TUGONON - KRIS TV (FULL VERSION)
Janine Tugonon Al Miss Tierra (Facebook)
Janine Tugonon Al Miss Tierra (Facebook)
Related Posts